Thursday, October 19
ye.. whatever..

yesterday was my last day in UP.

yes, i could smell the invigorating aroma of the sembreak. [parang coffee commercial. whappak!!]

no more final exams. no more paper works. no more walking. NO MORE EVERYTHING!!

at dahil no more everything, eto kaming lahat: tigang. wala naman kaming magawa!!

and so we turn into this blog for some sort of activity:

1] nakapag CRS ka na ba?
ilan nakuha mong subject? isa? dalawa? wala?
ang hindi ko maisip ay kung bakit may CRS pa kung ang tanging gawain lang niya ay paasahin ka. oo, daig pa ng CRS ang isang dalagang ubod ng pakipot at laging nagpapaasa ng mga uhaw sa pag-ibig na manliligaw niya. bakit ka pa ba mag CCRS kung parang wala rin naman epekto? mag manual na lang tayong lahat at suungin ang init ng panahon hanggang isugod sa ospital gawa ng dehydration.

2] philo1.
kung nakapag CRS ka na, kumuha ka ba ng philosophical analysis na GE? kung oo ang sagot mo, ihanda mo na ang sarili mo sa isang pinakamalaking pagkakamali na nagawa mo sa tanang buhay mo. siguro masisiyahan ka kung hindi yung prof ko ang prof mo. itago na lang natin siya sa pangalang POC o philosopher of the century. Siya ang Socrates ng kasalukuyang panahon. kapag siya ang prof mo, asahan mo ng lagi kang gisado: gisang gisa na daig mo pa sa pait ang sunog na bawang. yun tipong pinagdasal mo na sana hindi ka na ipinanganak. at kapag siya ang prof mo, mauubusan ka ng lahat ng rason hanggang dumating sa punto na wala pa ring sagot sa tanong niya. iyan ang kinaganda ng Socratic method of teaching: walang final answer. very productive.

3] isaw.
kahapon lang ako kumain ng isaw. sa lumipas na 17 years ng buhay ko, kahapon lang sumalat sa dila ko ang isaw. malas pa, dahil ang kinain kong isaw ay PEKE: kulay orange. naisip ko na lang na daig pa tayo ng manok, colorful ang bituka niya.
sa totoo lang ay hindi ako masyadong nasarapan, pero nagustuhan ko naman ito. hindi katulad nung iba na talagang tiba-tiba ang paglapa sa isaw. may isang dosena, isang baso, isang supot, isang kariton ng Mang Larry's isaw na may branches pa sa iba't ibang lugar. enjoy na enjoy sila sa pag ngata ng rubber na wavy ang itsura. talaga bang ganoon ang isaw? lasang itlog na elastic?

4] the guardian.
kung patay na patay ka kay ashton, panoorin mo ito. maganda ang kanyang istorya, nakakaiyak para siyang pambata dahil sa dulo mo pa malalaman kung bakit ganoon ang titulo niya.
hindi ako binayaran para i-endorse ang pelikulang ito. maganda talaga siya. lalo na sa part na nagsasanay sila bilang rescue swimmer ng US coast guard. naisip ko na lang ang sarili ko kung sakaling sumabak ako. hindi pa ako siguro nakakalublob sa swimming pool patay na ko. ikaw ba naman ang ilagay sa pool ng buong maghapon hanggang maubos na ang ATP mo sa katawan kakapadyak at kakakanaw sa tubig para hindi ka malunod. ikaw ba naman ang takpan ng ilong at bibig habang lumalangoy. ikaw ba naman ang ilagay sa pool na punong-puno ng yelo. hindi ka pa ba mamatay nun? kung hindi, alien ka. o kung hindi naman, ayon nga kay Randall,



i'll never let go..





:D





0 comments:

Post a Comment

welcome stranger!

you have chanced upon the work of a self-confessed lunatic. feel free to indulge into her out-of-this-universe (organized) mess. or you could just press Alt+F4 to save yourself from being infected.
rip anything you want and let your conscience work for you. leave a tag if you have an extra second.
everything and anything here are copyrighted to her unless stated.

ALL RIGHTS REVERSED.
Since 2006.

wee!

gonna get going! :P

THE CLOISTERED LATE BLOOMER

Mica
March 17
BS Psych, UPD
subdued city, Pilipinas
more?

"It's hard to wait around for something you know might not happen. But it's harder to give up when you know it's everything you want."



crush calculator.
johari window.
multiply.
nohari window.
guimaras petition online.
peyups.
UP AIT.
weffriddles.






Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket


Free shoutbox @ ShoutMix



riscian.batch05
angel.santos
bea.alfonso
cybelle.bautista
deah.ambrocio
erdie.sarrol
haizell.anore
jana.chavez
janus.manzano
jen.ursua
joycee.amonoy
juno.quimbo
kate.arabit
marlo.ponce
mayee.manalo
odie.sanjuan
paul.chua
reena.villamayor
regz.hernandez
ros.abelido
sophia.balod
steffy.reyes
link exchanges.
addie.
angeli.
anna cee.
betti.
casey.
cha.
culture shiok.
eipp.
elaine.
eunice.
fingertalks.
gdwn.
gen.
geno.
gino.
grace.
herschelle.
irene.
jackie.
jeck.
jeffrey.
jowell.
karlo.
katz.
kev.
kim.
kitty.
krisha.
lazarus.
lisa.
luki.
maj.
maika.
mark.
mawee.
michelle.
nadine.
nelo.
nikki.
paolo mendoza.
pepeng aussie.
petut.
quincy.
rachelle.
raissa.
randi.
renz.
rhenz.
sharlene.
talksmart.
tina.
tinay.
toniwoni.
tric.
trixielle.
yangcat.

etc.

GET PAID WHENEVER YOU'RE ONLINE!
click here!

EARN MONEY WITH YOUR SEARCH ENGINE!
EARN MORE WHEN SURFING!
click here!

COMMENT ON POSTS AND EARN!
click here!


purple jelly. pink jelly. green jelly. blue jelly. yellow jelly.
web counter