Friday, November 3
bus ride.

kulay dilaw ang kalangitan ng dumating ako sa bahay kanina. bale naging invisible ako sa paningin nila. :P

***

wala ng mas sasahol pa sa isang bus ride. akala ko jeepney ride na ang pinakamasahol sa lahat pero hindi. oo, parang mrt at lrt ito sa kasikipan, pero iba pa rin ang bus ride.

marami pa rin ang nakikinabang sa bus, malamang dahil wala namang ibang murang mode of transportation on land kundi ito. pero, kung may alternative choice ka, sasakay ka pa ba sa isang land roving death box?

isa ako sa milyun-milyong taong nagtitiyagang mag-bus patungong eskwelahan. sana kasi na-extend ang mrt station sa monumento. sana kasi hindi ako kuripot nang araw-araw ay nagtataxi ako.

samu't saring karanasan ang maari mong makuha sa mga kakarag-karag at surplus from japan nating mga bus:

1. matalisod o tuluyang madapa sa pag-akyat pa lang dahil sa hindi mo malamang malalaking steps nito.

2. mangudngod habang naghahanap ng mauupuan dahil walang habas na tatakbo na ang bus para makahakot ng pasahero.

3. makatabi ang isang nilalang na noong 1945 pa huling naligo.

4. manatiling nakatayo hanggang makarating sa iyong destinasyon.

5. maka-amoy ng sariwang hangin na nagmula sa kili-kiling nakatapat sa mukha mo ng taong kasama mong nakatayo sa biyahe.

6. maismiran ng taong patuloy mong nasasagi sa tuwing may bababa.

7. maka-upo sa tatluhang upuan ngunit 1/8 na lang ng puwet mo ang lapat sa upuan. [malas mo pa kung jumbo ang katabi mo.]

8. maging super oily at sticky bago ka pa makapunta sa destinasyon mo. [mas evident 'toh sa ordinary bus.]

9. mapag-initan ng kundoktor lalo na pag humingi ng student discount at hindi mo pinakita ang patunay mo.

10. kung hindi ka pa nakakaligo, isang libreng paligo mula sa konduktor.

11. makawitness ng saluhan ng laway dahil sa mga nagrereklamong pasahero.

12. total sardines compaction. [may term bang ganun?]

13. maging biktima ng mga mamang naka-leather jacket, fake na rayban shades at pellet gun.

14. mabasa ng ulan bago sumakay at tumanggap ng ,"so yucky" look na parang dinaig mo ang imburnal sa sobrang pandidiri sayo.

15. maging luray-luray ka at mag-amoy ewan pagbaba dahil sa matinding obstacle ng mga taong nakatayo na daraanan mo.

16. matuluan ng tubig mula sa naghihingalong aircon.

17. mainis dahil sa mga walang kwentang vandal sa mga upuan gaya ng, "can u be my tixm8? m cute, 22. for grls only. tix me at 092********."

18. magapangan ng ipis na nagmula sa breeding grounds nito: ang punit sa upuan na may bulok na foam sa loob.

19. makatapak ng suka ng batang ngawa ng ngawa.

20. makahaplos ng bubble gum habang nagsesenti ka sa may bandang bintana.

21. mainis sa mga babaeng makapal ang kolorete sa mukha, naka micro mini at naka-heels pagkatapos ay mag-iinarte.

22. makakita ng walang habas na lampungan. [wala ng piniling lugar.]

23. mairita sa mga show off ng 5110i nilang nokia cellphone at gasgas na mp3 with the certain aura na, "i'm so cool, i'm so hot man!"

24. makadaupang-PWET mo ang mga taong nakatayo habang pababa ka sa bus.

25. at ang pinakamasahol sa lahat, pag naupo ka sa gilid at may pasaherong nakatayo, malalagay ka sa sitwasyong unimaginable talaga: straight to your face ang pag-aari nila. [gets?]

anong masasabi mo?

sakay na!

:D





0 comments:

Post a Comment

welcome stranger!

you have chanced upon the work of a self-confessed lunatic. feel free to indulge into her out-of-this-universe (organized) mess. or you could just press Alt+F4 to save yourself from being infected.
rip anything you want and let your conscience work for you. leave a tag if you have an extra second.
everything and anything here are copyrighted to her unless stated.

ALL RIGHTS REVERSED.
Since 2006.

wee!

gonna get going! :P

THE CLOISTERED LATE BLOOMER

Mica
March 17
BS Psych, UPD
subdued city, Pilipinas
more?

"It's hard to wait around for something you know might not happen. But it's harder to give up when you know it's everything you want."



crush calculator.
johari window.
multiply.
nohari window.
guimaras petition online.
peyups.
UP AIT.
weffriddles.






Photo Sharing and Video Hosting at Photobucket


Free shoutbox @ ShoutMix



riscian.batch05
angel.santos
bea.alfonso
cybelle.bautista
deah.ambrocio
erdie.sarrol
haizell.anore
jana.chavez
janus.manzano
jen.ursua
joycee.amonoy
juno.quimbo
kate.arabit
marlo.ponce
mayee.manalo
odie.sanjuan
paul.chua
reena.villamayor
regz.hernandez
ros.abelido
sophia.balod
steffy.reyes
link exchanges.
addie.
angeli.
anna cee.
betti.
casey.
cha.
culture shiok.
eipp.
elaine.
eunice.
fingertalks.
gdwn.
gen.
geno.
gino.
grace.
herschelle.
irene.
jackie.
jeck.
jeffrey.
jowell.
karlo.
katz.
kev.
kim.
kitty.
krisha.
lazarus.
lisa.
luki.
maj.
maika.
mark.
mawee.
michelle.
nadine.
nelo.
nikki.
paolo mendoza.
pepeng aussie.
petut.
quincy.
rachelle.
raissa.
randi.
renz.
rhenz.
sharlene.
talksmart.
tina.
tinay.
toniwoni.
tric.
trixielle.
yangcat.

etc.

GET PAID WHENEVER YOU'RE ONLINE!
click here!

EARN MONEY WITH YOUR SEARCH ENGINE!
EARN MORE WHEN SURFING!
click here!

COMMENT ON POSTS AND EARN!
click here!


purple jelly. pink jelly. green jelly. blue jelly. yellow jelly.
web counter